Landas ng Pag-Asa: "Lumapit Tayo sa Diyos"
Description of Landas ng Pag-Asa: "Lumapit Tayo sa Diyos"
MARTES, SETYEMBRE 17, 2024
Martes ng Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Paggunita kay San Roberto Belarmino, Obispo at Pantas ng Simbahan
Paggunita kay Santa Hildegarda ng Bingen, dalaga at Pantas ng Simbahan
MABUTING BALITA: LUCAS 7: 11 - 17
Noong panahong iyon, pumunta si Hesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang kanyang mga alagad at ang napakaraming tao. Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong niya ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang babaing balo. Marami ang nakikipaglibing. Nahabag ang Panginoon nang makita ang ina ng namatay, at sinabi sa kanya, “Huwag kang tumangis.” Lumapit siya at hinipo ang kinalalagyan ng patay at tumigil naman ang mga may dala nito. Sinabi niya, “Binata, bumangon ka!” Naupo ito at nagsalita; at siya’y ibinigay ni Hesus sa kanyang ina. Sinidlan ng takot ang lahat at sila’y nagpuri sa Diyos. Sabi nila, “Dumating sa atin ang isang dakilang propeta! Nilingap ng Diyos ang kanyang bayan!” At kumalat sa buong Judea at sa palibot na lupain ang balitang ito tungkol sa kanya.
Reflection by Roy Azarcon : Research and Tutorial Services. Pathways Wide Intercession Ministry Head. Tahanan ng Panginoon Area Worker. Covenanted Member-Ligaya ng Panginoon
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel