Landas ng Pag-Asa: "Tinatawag Ka ni Hesus Ngayon"
Description of Landas ng Pag-Asa: "Tinatawag Ka ni Hesus Ngayon"
MARTES, SETYEMBRE 10, 2024
Martes ng Ika-23 Linggo sa Karaniwang Panaho
MABUTING BALITA: LUCAS 6 : 12 - 19
Nang mga araw na iyon, umakyat sa bundok si Jesus upang manalangin. Magdamag siyang nanalangin sa Diyos. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya sa kanila ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol. Ang mga ito ay sina Simon na tinawag niyang Pedro, si Andres na kapatid nito; sina Santiago at Juan; sina Felipe, Bartolome, Mateo, at Tomas; si Santiago na anak ni Alfeo; si Simon na tinawag na Makabayan; si Judas na anak ni Santiago; at si Judas Iscariote, na naging taksil.
At bumaba si Jesus kasama nila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang malaking pangkat ng kanyang mga alagad at ang napakaraming taong buhat sa buong Judea at sa Jerusalem at sa mga baybaying bayan ng Tiro at Sidon. Pumunta sila roon upang mapakinggan siya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng maruruming espiritu. Sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may kapangyarihang nagmumula sa kanya na nagpapagaling sa lahat.
Reflection by JV Salayo: Teacher/Education consultant. Assistant site leader-Pathways Sta. Rosa. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community
#POHopegiver #LandasngPagasa #catholic #scriptures #bibleeadings #Jesus #CatholicChurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel